Pumunta sa content

Icon ng Password Manager: Isang susing magkakapantay ang kulay pula, asul, dilaw, at berde.

Mas simpleng pag-sign in, mas ligtas na mga password

Secure na sine-save ng Google Password Manager ang iyong mga password at tinutulungan ka nitong mas mabilis na mag-sign in.

Mas pinadaling gumamit ng mga password

Mag-sign in sa mga site at app sa anumang device nang hindi kailangang tandaan o gamitin ulit ang mga password. Naka-built in ang Google Password Manager sa Chrome (sa lahat ng platform) at lahat ng Android app.

Mas pinadaling gumamit ng mga password

Mag-sign in sa mga site at app sa anumang device nang hindi kailangang tandaan o gamitin ulit ang mga password. Naka-built in ang Google Password Manager sa Chrome (sa lahat ng platform) at lahat ng Android app.

Nakasarang pinto ng vault na may logo ng Google Password Manager

Pagprotekta sa iyo sa background

Palaging naghahanap ang aming seguridad ng mga paglabag sa data. Kung may mahahanap kaming nakompromisong password, ipapaalam namin ito sa iyo at tutulungan ka naming baguhin ito sa pamamagitan ng ilang hakbang lang.

Panatilihing malakas ang bawat password

Panatilihing malakas ang bawat
password

Awtomatikong natutukoy ng Password Checkup ang mga isyu sa seguridad sa iyong mga password at nakakatulong itong ayusin ang mga nanganganib na account.

Ipinapakita sa pop-up sa mobile sa user na mayroon siyang mga online na account na may mga nakompromisong password
Ipinapakita sa pop-up sa mobile ang secure na naka-encrypt na password na ipinapakita ng mga itim na tuldok.

I-upgrade ang iyong seguridad

I-upgrade ang iyong seguridad

Magdagdag pa ng seguridad sa iyong mga password sa pamamagitan ng pag-encrypt—para tiyaking ikaw lang ang makakakita sa mga password mo.

Mag-import ng mga password nang walang hirap

Mag-import ng mga password nang walang hirap

Magdagdag ng mga password mula sa iba pang password manager sa loob ng ilang segundo at magsimulang gamitin kaagad ang mga ito. Para magarantiya ang ligtas na pagsisimula, sasabihin namin sa iyo kung may anumang na-import na password na hindi secure.

Tinatanong ng pop-up sa mobile sa user kung gusto niyang mag-import ng mga password.

Palaging naka-on at handa para sa iyo

Secure na sine-save ng Google Password Manager ang iyong mga password sa iisang lugar—para magamit mo ang mga ito sa anumang device kahit kailan. I-sync lang ang iyong Google Account sa Chrome o Android.

Iba't ibang screen ng Password Manager ang ipinapakita sa laptop, desktop computer, tablet, at mobile device
Iba't ibang screen ng Password Manager ang ipinapakita sa laptop, desktop computer, tablet, at mobile device

Matuto pa tungkol sa Google Password Manager

I-set up ang Google Password Manager sa Chrome o Android

Naka-built in ang Google Password Manager sa Chrome web browser at mga Android device na nangangahulugang hindi mo ito kailangang i-install. Sa Chrome, i-on lang ang pag-sync. At sa Android, piliin ang Google bilang iyong serbisyo ng autofill sa pamamagitan ng pagpunta sa Mga Setting, paghahanap sa "serbisyo ng autofill," at pagtiyak na pinili ang "Google."

Gamitin ang Google Password Manager sa iOS

Pinakamahusay na gumagana ang Google Password Manager sa iOS kapag ginamit ito sa Chrome web browser. I-on muna ang pag-sync sa Chrome. Pagkatapos ay gawing iyong serbisyo ng Mga AutoFill na Password ang Chrome:

  • Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Mga Setting.
  • Mag-scroll pababa at piliin ang Mga Password.
  • Piliin ang Mga Autofill na Password at pagkatapos ay piliin ang Chrome.
  • Piliin ang I-on ang Autofill.

Kapag napili mo na ang Chrome bilang iyong provider ng autofill, puwede mo ring gamitin ang Google Password Manager sa anumang app sa iyong iOS phone:

  • Sa iyong iPhone o iPad, pumunta sa app kung saan gusto mong mag-sign in.
  • Sa page sa pag-sign in, i-tap ang field na username o password.
  • Sa keyboard, piliin ang Mga Password.
  • Para payagan ang autofill, posibleng kailanganin mong mag-sign in ulit sa iyong device.
  • Piliin ang password na gusto mong gamitin.

Tumingin at gumamit ng mga password

Naka-save ang iyong mga password sa Google Account mo. Para tumingin ng listahan ng mga account na may mga naka-save na password, pumunta sa sa anumang browser o Para matingnan ang mga password, kailangan mong mag-sign in ulit.
  • Para tumingin ng password: Pumili ng account at pagkatapos ay i-preview ang iyong password.
  • Para mag-delete ng password: Pumili ng account at pagkatapos ay piliin ang I-delete.
  • Para i-export ang iyong mga password: Piliin ang Mga Setting at pagkatapos ay ang Mag-export ng mga password.

Alamin kung paano pinapanatiling ligtas at pribado ng Google ang iyong impormasyon

Pinoprotektahan namin ang iyong data gamit ang advanced na seguridad. May naka-built in na seguridad ang mga serbisyo ng Google, tulad ng Chrome. Ibig sabihin, pinoprotektahan ka mula sa mga mapanganib na site, malware, at iba pang banta. Gamit ang Google Password Manager, protektado at naka-encrypt ang iyong mga password. Gumawa rin kami ng mga tool sa privacy na nagbibigay sa iyo ng kontrol sa kung paano ginagamit ang data mo.

I-import ang iyong mga password nang walang nawawala

Makakalipat ka sa Google Password Manager sa pamamagitan ng tatlong hakbang.

  • Pumunta sa iyong password manager na hindi Google at i-download ang mga password mo bilang CSV file.
  • Mag-import ng mga password sa Google Password Manager. Pumunta sa passwords.google.com at piliin ang Mga Setting > Mag-import > Pumili ng File.
  • I-delete ang CSV file ng password na na-download mo para hindi makompromiso o ma-access ng mga hacker ang file.

Mag-export ng mga password mula sa Google Password Manager

Pumunta sa Mga Setting sa Chrome o Android, at pagkatapos ay piliin ang Mga Password. Pagkatapos ay piliin ang "Mag-export ng mga password." Puwede ka ring mag-export ng mga password sa Mga Setting sa passwords.google.com.

Alamin kung paano nananatiling ligtas ang iyong mga password kahit kapag naka-sign out ka sa Chrome

Kung naka-sign out ka sa Chrome, mananatiling lokal ang iyong mga password—na nangangahulugang available ang mga ito sa Chrome at hindi available ang mga ito sa iba pang device.

Logo ng Chrome, logo ng Android, at logo ng IOS

Simulang protektahan ang
iyong mga password sa mas simpleng paraan

Chrome

Screen ng Mga Setting na nagsasabing "i-on ang pag-sync."

HAKBANG 1

Mag-sign in at i-on ang pag-sync

Mag-sign in sa Chrome at i-on ang pag-sync para makita ang iyong mga password sa lahat ng device mo.

Puting screen na nagtatanong ng "I-save ang password?"

HAKBANG 2

Mag-save ng mga password sa mga website

Kapag naglagay ka ng bagong password sa isang site, itatanong ng Chrome kung gusto mo itong i-save. Piliin ang I-save. Tingnan at pamahalaan ang iyong mga password kahit kailan sa Mga Setting.

Puting screen na nagpapakita ng profile ng user

HAKBANG 3

Mag-sign in sa lahat ng iyong device

Mag-sign in sa Chrome sa iyong laptop at mobile. Sa susunod na bibisita ka sa isang site, mapupunan ng Chrome ang iyong username at password.